"Natsa-challenge naman ako sa ganitong image," sabi ni Iwa sa
PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala lang. Gusto ko lang patunayan na kakayanin ko ito. Baka nga sa ganitong paraan, I could get better roles.
"Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi totoong napipilitan lang ako. GRO at sexy dancer ako sa Joaquin Bordado na may lihim na pagtingin kay Robin [Padilla], pero mai-involve ako sa nakababata niyang kapatid sa bagong series na ito, si Mark [Herras].
"Ibang klaseng role ito na ngayon ko lang gagampanan, kaya simula na sana ito ng pagtitiwala sa akin ng GMA-7 sa mas naiiba pang roles in the future," banggit ng young actress.
Pero nilinaw ni Iwa na hanggang pa-sexy lang siya. Hindi raw niya kakayanin ang magpakita ng boobs o very private parts.
"Konting skin lang diyan, why not?" kikay na sabi pa ni Iwa. "Sexy lang. Hindi ko kakayanin yung paninindigang mag-bold o maghubad-hubad. Puwede ka namang maging sexy without exposing too much skin, o yung todo-hubad na.
"Basta hanggang ganoon lang. May konting pagiging wholesome pa rin. Besides, lagi akong napapanood sa TV kaya mahirap mawalan ng kontrol sa limitations."
Gusto lang ni Iwa na flexible ang dating niya sa mga tao. For one thing, kaya naman daw niyang panindigan ang pagpapa-sexy.
"Kahit paano siguro, naipo-project ko nang tama. Hindi naman ako papayagan ng GMA-7 na mag-project ng ganitong image kung hindi ko kakayanin," ani Iwa.
SEXIER THAN KRISTINE?
Binansagan na ng ibang press people si Iwa bilang pinakaseksing bida-kontrabida ng GMA-7. Mukhang talbog na raw niya si Katrina Halili.
"Naku, intrigahin ba kami ni Katrina?!" natawa na lang nang malakas si Iwa. "Hindi ko kaya si Katrina. Ilang taon na bang adjudged sexiest si Katrina sa FHM?"
Pero ang maipagmamalaki lang daw ni Iwa, walang ginalaw sa katawan niya.
"Walang retoke sa akin, especially my boobs. Lumiit na nga. Kasi pumayat ako. Yun ang hirap sa akin, kapag pumayat, kasama pati ang boobs, kaya medyo lawlaw 'yan, at hindi rin kasi ako nagba-bra kasi," napaka-candid na sabi ni Iwa.
Ang size ng boobs ni Iwa ay 34, cup C. Okay na sa kanya 'yon, pero mas malaki nga lang dati.
SECOND CHOICE.
Blessing para kay Iwa ang pagtanggi ni Cristine Reyes sa role na naipagkatiwala sa kanya sa Joaquin Bordado.
Ayon kay Iwa, "May reasons si Cristine kung bakit niya tinanggihan, and I have no right naman to comment on that. Basta itong role na ito, finally, ibinigay sa akin, happy ako.
"Naroroon ang tiwala ng GMA-7 sa akin kaya ayokong sayangin. As with Cristine, hindi rin natin alam kung ano 'yung kapalit ng pagtanggi niya. Wala akong masasabi."
Hindi mahalaga kay Iwa kung second or third choice lang siya. Basta ang importante, siya ang last and final choice, sa kanya napunta ang role at pagbubutihan na lang daw niya para maging karapat-dapat dito.
"Masaya ako kapag may trabaho ako,"sabi ni Iwa. "Yun lang ang gusto ko sa buhay. Ang feeling ko, napansin din siguro ako dahil maganda yung feedback sa ginawa ko sa Mahawi Man ang Ulap. Yun ang sinasabi ni Direk Mac Alejandre sa akin kaya finally, nang tumanggi si Cristine, sa akin na lang ipinagkatiwala ang role."
MANHATER? Kung tatanungin naman kay Iwa ang tungkol sa dating boyfriend na si Yexel Sebastian, parang may kung anong bitterness na maaaninag sa mukha ng young actress. Pero naidaraan pa rin niya ito sa biro.
"Hindi naman sa naging manhater ako," paglilinaw niya. "E, kasi, hindi pa ako nakakatiyempo ng lalaking seseryosohin ko at seseryoso rin sa akin. Parang pare-pareho lang sila.
"Sa halip na 'yan ang intindihin ko, ito na munang trabaho. Parang ang dami ko rin kasing haharapn, 'tapos mawiwindang ang schedule ko dahil lang sa lalaki. Masaya ako sa ginagawa ko, kaya rito na lang muna ako," pahayag pa ni Iwa.
Source
0 Comments on "Iwa Moto as G.R.O. in GMA-7's Joaquin Bordado"
Post a Comment