4.02.2008

Tuli Na Si Alex! LOL! The Boy is Now a Man!

Tapos na ang masalimuot na proseso na pinakaaantay ni Alex! Ang Italian Valentino, binata na! Habang nagbibigay ng cooking lessons si Mommy Minda sa girls, lumabas ang boys na nakapila at nakapalda. Ang lakad pa nila ay parang sila lahat ay dumaan sa ilalim ng kutsilyo. Mukhang itinatago ng boys na si Alex ang totoong nagpatuli para hindi mapahiya ang bagong binata. Ang girls naman hindi mapigilang matawa at mag-usyoso. Si Jieriel nagkaroon ng ideya kung ano ito, kasi naman daw "tuli month" kaya baka sila lahat ay nagpatuli.


Tinanong nila si Mommy Minda kung si Alex daw ba ay tuli na. Pinagtakpan ang anak at ang sagot: hindi ko alam, bakit sa girls ba tinatanong kung may ano [period] na?

Napatahimik ang girls at nakalusot si Mommy Minda! Hinuhulaan nila kung sino ba sa nakapaldang lalaki ang nagpatuli. Hindi daw si Ejay kasi diretso maglakad. Si Robi naman nirereverse psychology ang mga housemates kaya nagpresentang ipakita. Baka ma MTRCB tayo niyan!

Abangan ang kakatwang episode na ito mamaya sa Uber at sa Primetime Bida!

http://pbigb.multiply.com/journal/item/963/The_boy_is_now_a_man




















2 Comments on "Tuli Na Si Alex! LOL! The Boy is Now a Man!"

limferdi on April 02, 2008 said...

congrats sa fifth month mo sa blogosphere. halos parehas lang tayo ng tagal sa blogosphere, pero ang dami mo ng visitors, ako bihira lang, ano ba sikreto mo? please share naman.

reyna elena on April 03, 2008 said...

hehehe!!! saan ang litratong yan! interested ang lola! kairita sana nakapost! hehehe

Post a Comment

DISCLAIMER:

"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."

"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"
 

·´`·.¸.» j u l i a ·´`·.¸.» Copyright © 2009 All Rights Reserved.

I am not responsible for the content of external sites.

Check this blog's Privacy Policy and Disclosure Policy.