2.04.2008

Heart Evangelista, From ABS-CBN to GMA-7 ?



Whaatt? is this true? Remember lately i just posted that she came back to the boob tube via Your Song in ABS-CBN. And now i....


heard this news that she will transferring to GMA-7?

Here's the full story:

Ipinaliwanag ni Heart Evangelista sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit tila madalang na ang mga projects niya sa ABS-CBN. Ayon kay Heart, medyo mapili na siya sa mga tinatanggap niyang projects ngayon. Una na nga raw ay dahil sa health problem niya na sobrang pinag-iingatan nito ang tungkol sa kalusugan niya.

Secondly, sadya lang daw na kailangan na niyang busisiin yung mga project na makapagpaangat sa kanyang career.

"I still need to work now, but I would like to make sure, I am getting the right projects for me, hindi baleng konti lang, basta yung tama lang para sa akin. Ayoko nang basta-basta lang tatanggap if I know this would not help me grow," paliwanag ni Heart.

Importante raw kay Heart ang kanyang career. More than any other time in her career, ngayon na ang pinakaseryosong bahagi nito. Kung kailagan ngayong magtrabaho siya sa kabilang istasyon, gagawin niya basta lang magka-offer siya ng mgandang project.

"Why not, if it is worthy project, tatanggapin ko kahit sa GMA-7 pa," sabi ni Heart, na nagpaliwanag pang wala naman siyang kontrata ngayon sa ABS-CBN dahil per project basis lang siya ngayon sa Kapamilya network.

Lubos naman daw siyang nagpapasalamt ngayong nagkakamabutihan sila ng kanyang pamilya. Lalo na raw ng kanyang ama na matagal niyang nakahidwaan dahil sa mga problemang pampuso.

Ang tinutukoy namin ay yung pagsuway niya sa kagustuhan ng pamilya at hayagang ipinaglaban ang relasyon nila ni Jericho Rosales. "Now that were well, I hope this remains this way forever. I love my family so much that I don't know if I can still take another falling out with them. We are starting all over and I think, now is the right time to get closer. Sobrang nae-enjoy ko itong muli naming pagba-bonding," pagbabalita pa ni Heart.

Tanggap na ba ng pamilya niya si Jericho ngayong nagkaayos na sila ng kanyang pamilya?

"No, let it remain that way. Ayaw naming madaliin. If it comes late, it will come. But as of now, okay na sa akin itong situwasyon, they accepted me again at tama na muna yun," sabi pa ni Heart na kitang-kita ang kalungkutan dahil nga hindi pa tanggap ng pamilya si Jericho.

Nang si Jerciho naman ang tanungin tungkol sa isyung ito, sinabi niyang naiintindihan niya ang sitwasyon. Ang ikinatutuwa raw niya, heto na nga si Heart, muling nakasundo ang pamilya at gusto niyang ibigay yung mga moment na ganito kay Heart.

"Masaya ako, nagkasundo na sila. Yung sa akin at sa pamilya niya, huwag na lang 'yan anga pag-usapan. Hindi ba mas importante na sa wakas, nangyari na yung pare-pareho nilang gusto?" nakangiting sabi ni Jericho na lagi palang nakaabang kay Heart sa mga lakad nito. Source

0 Comments on "Heart Evangelista, From ABS-CBN to GMA-7 ?"

Post a Comment

DISCLAIMER:

"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."

"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"
 

·´`·.¸.» j u l i a ·´`·.¸.» Copyright © 2009 All Rights Reserved.

I am not responsible for the content of external sites.

Check this blog's Privacy Policy and Disclosure Policy.