Valentines Season! Kung ang Valentine's presentation ng GMA at Regal Films ay ang My Bestfriend's Girlfriend nila Marian Rivera at Richard Gutierrez, sinasabi ng iba na ang ang My Big Love daw ng Star Cinema, na pinagtatambalan nila Sam Milby at Toni Gonzaga, ang itatapat dito.
Pero taliwas sa inasahan ng karamihan, tuloy ang showing ng My Bestfriend's Girlfriend sa February 14 samantalang napabalitang sa February 28 na ang My Big Love.
Dito ay nabahiran na ng intriga ang pag-urong daw ng playdate ng My Big Love. Hindi kaya ay natakot daw ito na matalo ng My Bestfriend's Girlfriend sa takilya?
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, February 3, kay Toni sa dressing room ng ASAP, expected na raw niya na may intrigang lalabas na kagaya nito pero siniguro niya sa amin na ang dahilan ay hindi dahil sa takot sumabay ang My Big Love sa pelikula nina Marian at Richard.
"For me, healthy lang naman na nagkakaroon ng ganyang issues. Expected na naman ‘yan coz it's natural in the business na lagyan ng issues ang lahat. But let me assure you na walang takutang nangyari. Ever since naman , kahit yung You Got Me, di naman siya ginawang Valentine's presentation ‘coz sa mga sked ng shooting days na nagkaproblema. Dito kasi sa My Big Love, bukod sa gusto lang namin mas pagandahin pa yung movie, ayaw naming madaliin.
"May kani-kaniya din kaming schedule na 'di magtugma-tugma. Ako nga mayroon akong one week off ngayong Linggong ito. Nag-stop akong shooting and taping because of my first major concert on Feb. 9, yung Catch Me, Toni Gonzaga. Ito ang talagang pinaghahandaan ko ngayon kasi nga, first time ko ring magkakaroon ng first major show," ang bungad na paliwanag ni Toni.
Para kay Toni, kung natuloy man na maging Valentine's presentation ng Star Cinema ang My Big Love at makasabay man nito ang My Bestfriend's Girlfriend, wala raw siyang nakikitang problema pagdating sa magiging reception dito ng tao.
"I'm sure naman tatangkilikin din naman ng mga tao ang mga movies on Valentines kasi maraming magde-date, kumbaga may options sila...may choice sila kung ano ang papanoorin nila."
Kahit na pumatok sa tao ang You Are The One and You Got Me, hindi ba kinakabahan si Toni sa magiging pagtanggap ng tao sa third team-up nila ni Sam?
"Siyempre laging may pressure na sana tangkilikin nila, pero sa ngayon, di namin iniiisip yun. We're focusing kung paaano mapapaganda yung movie para maging worth yung every peso na ibabayad nila sa sinehan," ang sagot ng dalaga.
'Di itinago ni Toni na dati ay dumaan din sa pagsubok ang friendship nila ni Sam at ngayon, sa My Big Love, ay masasabi niyang mas magaan at mas maganda na ang work relationship niya sa kapareha.
"Tapos na yun, naayos na yung dapat maayos. Masaya yung shooting days namin ni Sam, I always looking forward sa mga mga shootings days ng My Big Love. Dumating na siguro kami sa point na very relaxed na kami sa isa't-isa, that we're really comfortable with each other."
This is also Toni's first Valentine's Day with a boyfriend pero dahil focused nga sa gagawing concert ay wala pa ring plano ang aktres sa kung ano ang gagawin nila ni direk Paul Soriano.
"I don't know yet...Siguro pagkatapos ng concert, saka ko malalaman kasi sa ngayon bugbugan na kami sa rehearsal, tingnan na lang natin ang mangyayari.
"I'm just thankful and happy that Paul is very understanding and supportive. Pinagpe-pray niya ako and he's not time-consuming, naiintindihan niya ang work ko, 'di niya kinukuha yung oras ko pagdating sa trabaho," pagtatapos ni Toni.
Source.
0 Comments on "It's Toni Gonzaga and Sam Milby (My Big Love) Versus Richard Gutierrez and Marian Rivera (My Bestfriend's Girlfriend) This Valentines Season!"
Post a Comment