3.06.2008

It's Lolit Solis Versus Annabelle Rama!

Hindi na napigilan ng talent manager na si Lolit Solis ang tumahimik lamang tungkol sa isyu ng isnaban sa pagitan ng alaga niyang si Lani Mercado at ni Ruffa Gutierrez.

Noong Linggo, March 2, ay nagpahayag si Ruffa sa The Buzz ng kanyang pagkadismaya sa diumano'y hindi pagpansin sa kanya ni Lani noong birthday party ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante.


Ayon sa kuwento ni Ruffa sa interview ng The Buzz, "Alam mo naman ako, forever Miss PR. ‘Hi, hello.' So, siyempre kiss ako. ‘Hello, Senator. Hello, Lani.' Siyempre nakaganun yung lips ko [iminuwestra ang kanyang labi], ‘Hello.' Tapos bigla akong tinalikuran."



Patuloy niya, "She left my poor perfect pouty lips in the air na like that. Siyempre, napahiya naman ako, di ba? My God, in-ignore ako! Ano kaya ang ginawa ko? And then, ‘pag ganun [paghalik] ko, she just turned around, tinalikuran and then she left. Sabi ko, ‘Donita [Rose], nakita mo ‘yon? What did I do? Bakit niya ako tinalikuran?"



Sa kabilang banda, pinili naman ni Lani ang manahimik na lang ukol sa isyu upang maiwasan na ang paglaki nito.



LOLIT'S REACTION. Ngunit hindi nagpaawat ang TV host-columnist sa pagbibigay ng kanyang opinyon. Bilang sagot sa mga naging pahayag ni Ruffa, kinapanayam ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz radio program na Wow, Ang Showbiz! ang talent manager na si Lolit. Siya ang humahawak sa showbiz career ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado.



Ayon sa interview kay Manay Lolit, na nailathala rin sa People's Journal ngayon, March 5, sinabi niya, "Ang ipinagtataka ko lang, ba't kailangang maging obligasyon ni Lani ang batiin ang kahit sino? Ang mga na-link sa asawa niya, eh, siya ang legal wife?



"Hindi pa ba sapat na civil lang si Lani at kailangan talaga, makipagplastikan yung tao sa mga nali-link sa asawa niya, sa mga sumasabit-sabit na babae kay Bong?"



Dagdag pa ni Lolit, nalaman pa raw tuloy ng publiko na naging magkarelasyon noon sina Ruffa at Bong dahil sa paglabas ng isyu na ito.



Aniya, "'Day, sa totoo lang, hindi si Lani ang nagpalaki ng isyung ito, sila. Kung hindi sila kumibo, hindi sila nag-react, deadma, di ba?



"Ngayon, nagre-react sila dahil inisnab daw ni Lani si Ruffa, nalaman ngayon ng mga tao na may nakaraan pala si Ruffa at si Bong. Dati ba, may nasulat na naging sina Bong at Ruffa? Wala naman, ah? Kaya si Lani, tahimik lang.


"Hindi siya dapat mag-react, dahil siya ang legal wife!" mariing sabi ni Lolit.



Nang tanungin kung baka posibleng maging dahilan pa ito ng pag-aaway nila ni Annabelle Rama, ina ni Ruffa, ang matapang na sagot ni Lolit, "Naku, 'pag nakita ko si Annabelle, sasabihin ko rin sa kanya na ang daming babae ang sumasabit-sabit sa asawa niya [Eddie Gutierrez] no'n, kaya 'pag tumatalak siya, naiintindihan siya ng mga tao, dahil siya ang legal wife!"



Sa isang separate interview, nahingan din ni Ogie Diaz ng pahayag si Bong Revilla tungkol sa isyu. Ang maiksing sagot ni Bong, "Magkakaayos din 'yan. Hindi lang sila nagkaintindihan."









1 Comments on "It's Lolit Solis Versus Annabelle Rama!"

twinks on March 09, 2008 said...

Isa lang masasabi ko.. tama c manay lolit.. tsaka tama naman na di dapat makipag miss PR c lani ano sa lahat ng tao lalo na sa mga nakarelasyon ng asawa nya.. sana tumahimik nalang c ruffa, tsaka wag nya expect lahat eh miss PR kagaya nya. :]

Post a Comment

DISCLAIMER:

"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."

"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"
 

·´`·.¸.» j u l i a ·´`·.¸.» Copyright © 2009 All Rights Reserved.

I am not responsible for the content of external sites.

Check this blog's Privacy Policy and Disclosure Policy.