7.28.2008

Annabelle Rama complains about son Richard Gutierrez's "unfair" exposure in Bench Blackout

Annabelle Rama complains about son Richard Gutierrez's
Annabelle Rama is seriously considering not to renew Richard Gutierrez's contract with Bench.

On the warpath again ang matriarch ng mga Gutierrez na nag-surprise visit sa presscon ng Regal Entertainment and Studio Max's Loving You last Sunday night, July 27, sa Imperial Palace Suites. This time, it's about the Blackout event ng Bench last Friday, July 25, sa Araneta Coliseum.

Nagkakaroon kasi ng comparison ang palakpak na natanggap ng mga prime stars who walked the ramp for the event at tila nadehado si Richard compared to the other stars. Wala kasing preparation or at least a signal na si Richard na ang lalabas kung kaya't hindi agad siya nakilala ng audience, specially with his makeup that darkened his complexion.

Somehow, prepared ang audience sa paglabas nina Sam Milby, Rafael Rosell, and Dingdong Dantes when it was time for them to go on stage. Nag-angat ang mechanical ramp pataas bago lumabas si Sam. Nasa big screen si Rafael na nakahubad at nakatalikod bago siya tumayo, at ipinakita sa likod ng translucent curtain. Nag-slide show naman ang mga posters ni Dingdong bago ito pumasok sa stage. These three actors got the biggest applause kung iku-kumpara sa pagpasok ni Richard na parang nag-last walk lang talaga at may mga babaeng models na sa stage still posing.

Paliwanag ni Annabelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "'Eto sinabi na sa akin ni Richard [Gomez] na nag-meeting na sila bago pa lang ang event, dapat huwag lagyan ng makeup ang mga artista para makilala sila. O kaya, lagyan ng pangalan sa screen na si ano na o si ano ang lalabas para handa ang mga tao.

"Hindi nila ginawa," patuloy niya. "Hindi lang ito para sa anak ko, para na rin sa lahat ng mga artista. Sana naglagay sila ng mga names na lumalabas para alam ng tao.

"Tanungan nang tanungan, ‘Sino ‘yan?' sabi ni Dr. [Vicky] Belo, ‘she's pretty.' Si Bubbles Paraiso na pala yung tinatanong niya. Si Nitz [Miralles, PEP contributor] nagtanong pa sa kasamahan niya kung si Richard na ba yun. Nasa malapit na sila ng stage ha, paano pa yung nasa bleacher?"



It was explained to Annabelle na never nagkaroon ng names ng mga naglalabasang artista sa mga naunang biennial event ng Bench.

"Wala na kung wala, pero bakit yung iba, ipinakita muna ang posters bago lumabas?" sabi ni Annabelle. "Hindi naman ito kailangan ng anak ko. Sabi niya nga sa akin na huwag na lang akong magsalita, pero unfair talaga ang ginawa sa kanya.

"Paano mo naman makuku-compare si Richard sa iba? Hindi naman siya naghubad, hindi nagpakita ng briefs? Hindi niya ito kailangan. Pati ba naman kasi ito pag-uusapan pa?" saad ni Annabelle, na ang tinutukoy ay kung sino ang nakatanggap ng mas malakas na palakpak.

Dagdag niya, "Si Richard, pagod na pagod, galing pa sa Greece pero nagpunta ng rehearsal nang walang reklamo at nag-stay siya talaga doon ng apat na oras. Wala naman siyang bayad dito. Wala namang bayad ang mga artista pero ginawa pa rin nila, sana binigyan na lang sila ng konting importansiya, hindi lang si Richard."

It was later learned that Dingdong was given a separate time for rehearsal dahil walang nakakita sa kanya na mag-rehearse. Nang natapos daw ang rehearsal at umuwi na ang lahat, saka naman isinalang si Dingdong.

"Hindi kami humingi ng ganito," ulit ni Annabelle. "Nag-stay si Chard ng apat na oras kahit pagod na siya. Kung may gusto silang i-promote o i-launch, sige walang kaso sa akin. Nagsabi na nga ako na huwag nang isama si Chard sa show, pero pinilit pa rin. Sige, di gawin. Pero sana nga respeto naman na lang sa anak ko.


"Si Richard dapat ang sa Jag. Hinihingi siya noon, dapat siya ang makaka-partner ni Angel [Locsin]. Nagpaalam na ako kay Dougs [Douglas Quijano], pero sabi huwag daw umalis sa Bench kasi dito siya nagsimula. Loyalty na lang daw. Sige stay kami, pero tingnan mo naman ang ginawa sa kanya?"


Along this line, someone asked kung pararampahin niyang muli si Richard sa susunod na event ng Bench, which will happen two years from now.

"Ay hindi na, tatanggalin ko na siya sa Bench!" tahasang sabi ni Annabelle. We have to repeat the question kung, for the record, aalisin na niya si Richard as Bench endorser.



"Baka hintayin ko na lang matapos ang contract. Bukas malalaman ko kung hanggang kailan pa siya," sagot ni Annabelle. At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ng Bench tungkol sa mga pahayag ni Annabelle.

from: Pep.ph








0 Comments on "Annabelle Rama complains about son Richard Gutierrez's "unfair" exposure in Bench Blackout"

Post a Comment

DISCLAIMER:

"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."

"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"
 

·´`·.¸.» j u l i a ·´`·.¸.» Copyright © 2009 All Rights Reserved.

I am not responsible for the content of external sites.

Check this blog's Privacy Policy and Disclosure Policy.