What's funny is, she said "galit ako sa sinungaling at mandaraya" in front of Lolit Solis na certified na sinungaling, inamin na niya sa korte yan. He also added "‘Eto ngayon ang hamon ko pati na sa GMA; Kapag inimbita nyo pa uli yang taong yan magre-resign ako sa lahat ng shows ko sa GMA." plus "OK lang ako na bumalik kapag wala na yung taong yan (Dindo Balares)", ang yabang naman niya what kind of principle is that, Blackmail?
I search for his age sa Wikipedia, going 62 na pala si Joey. Grow up, please? Or promo lang to sa upcoming show niya: Lalola at Jungle TV. Naalala ko tuloy 'tong pag-iyak niya the last time:
I don't think lahat ng Kapuso is in his side ......
Inilabas na ni Joey de Leon ang lahat ng galit sa isang entertainment editor ng isang pahayagang tabloid na nagsulat na flop ang show ng Eat Bulaga! sa US kamakailan na naging dahilan ng pagre-resign nya bilang columnist ng Manila Bulletin.
Sa Star Talk nitong Sabado, sinabi ni Joey na handa siyang magsulat muli sa Bulletin kung aalisin si Dindo Balares, editor ng tabloid na Balita, na nagsulat ng artikulo na ikinagalit ng itinuturing na “entertainment guru."
“Mapapatawad ko lahat yun kahit na sabihing pangit ang show nyo for 29 years, sukang-suka ako sa Eat Bulaga!, OK lang yun personal na opinion nyo ‘yan. Nangyayari pa ‘yan. Pero sa isang event na tapos na, at binaligtad mo… nagsinungaling... galit ako sa mga sinungaling," ayon kay Joey.
Dagdag niya: “Dalawa lang naman ang kinagagalitan ko dito. Sinungaling at mga mandaraya."
“Parang sinabi mo na Pacquiao tinalo si Morales, (tapos) parang sinabi na Morales tinalo si Pacquiao. Hindi maganda, kasinungalingan na kaya medyo hindi ko yata mapapalampas ‘to," paliwanag ni Joey sa dahilan ng kanyang pag-alis sa Bulletin.
Una rito, lumabas noong July 29 sa entertainment page ng Balita ang artikulong isinulat ni Balares na, “usap-usapan umano sa mga umpukan sa showbiz ang pagiging flop ng Eat Bulaga! sa US."
Ang naturang show ng Eat Bulaga! na tinawag na “Grand Fiesta" ay ipinalabas na sa GMA 7 nitong Sabado.
Idinagdag na artikulo na ang, “usap-usapan ay nagsimula raw sa Internet. Hindi raw kataka-taka kung hindi napuno ang LA Sport Arena dahil wala pa umanong matatag na kapit ang GMA sa US at kulang ito sa “emotional investment."
Bagaman magkaiba ang editorial board ng Bulletin at Balita, nagdesisyon pa rin si Joey na magbitiw bilang columnist ng pahayagan. “Hindi ko matiis talaga na kahit kapatid lang na publication may kasamang sinungaling," pagdiin ng host-comedian.
Nagpasalamat din si Joey sa mga opisyal ng pahayagan at nilinaw na wala siyang hinanakit sa kanila maliban kay Dindo - na hindi mabanggit ni Joey ang pangalan.
“May isang linya kasi dun na hindi ko mapapalampas," patungkol ni Joey sa artikulo ni Dindo. “Ito talaga ang buwisit e," aniya sabay basa sa tinutukoy bahagi ng artikulo: “Sa katunayan, nakausap ko ang isang GMA executive at kinumpirma ang pagka-flop ng Eat Bulaga!"
Dito na naglabas ng hamon si Joey kay Dindo.
“Eto ang hamon ko para mabilis lang. Pare o mare …‘di ko alam kung ano ang katauhan mo… hinahamon kita, bibigyan kita ng tiket sa eroplano papuntang Amerika first class o business class sagot ko for two para kasama mo yun jowa mo, isang linggong stay sa kahit anong hotel sa Amerika, with pocket money na $5,000. Sabihin mo lang sa akin kung sino yun GMA executive," ayon kay Joey.
Ito umano ang paraan upang malaman ni Joey kung talagang close si Dindo sa hindi tinukoy na GMA executive at makumpirma nito kung totoo na may ganoon pahayag laban sa Eat Bulaga!
“Gusto mo may mas matinding hamon pa ‘ko sa’yo," habol ni Joey. “ Dahil kahapon may nagkumpirma sa akin na umaatend ka sa mga presscon dito sa GMA. ‘Eto ngayon ang hamon ko pati na sa GMA; Kapag inimbita nyo pa uli yang taong yan magre-resign ako sa lahat ng shows ko sa GMA."
Bukod sa Eat Bulaga at Star Talk, napapanood si Joey sa “Nuts Entertainment at Takeshi Castle.
“OK sinasabi ko lang ganoon katindi ang galit ko sa’yo. Dun na lang sa linyang yun," patungkol ni Joey kay Dindo.
Ngunit hindi umano niya tatanggapin kung ang ibibigay na pangalan ni Dindo na executive ay nagbitiw na sa GMA.
“Ganon lang kasimple, magkaalam alam na tayo kung sino matapang," hamon pa ni Joey. “Bakit hindi yun hindi maipalabas ang hindi mo isulat?
from: www.gmanews.tv
4 Comments on "Joey De Leon Resigns From Manila Bulletin"
naku parang napa sobra naman yang reaksyon ni joey de leon. OA na yan, period!
Kung mag resign ka, di mag resign ka...walang pipigil sayo...mas mabuti na nga yan eh na mag resign ka baka siguro mawala ang network war...
JOEY problema ka lang sa mundo ng mga pinoy! Resign na kung resign!
pag talo TALO
pag flop FLOP
pag PIKON talo
karma yan joey!
maka wowowweeee lang kau hahahah
This is exactly why I watch less and less of the local shows. Too much drama.
Post a Comment