2.21.2008

Charlene Gonzalez, Goodbye ABS-CBN Hello QTV-11

Isang bonggang presscon ang ibinigay ng QTV-11 para sa former Bb. Pilipinas-Universe na si Charlene Gonzalez. Si Charlene na kasi ang maghu-host ng Proudly Filipina starting


Friday, February 29, at 7 p.m. Si Daphne OseƱa-Paez ang dating host ng show.



Sa Meeting Room 3 & 4 sa Mezzanine ng Dusit Hotel, kung saan ginanap ang presscon, malugod na nakipag-usap si Charlene sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang press people na naroon.



THE "ACCIDENTAL ARTISTA." Kuwento ni Charlene, 16 years na pala siya sa showbiz. Akala niya kasi noon, matapos manalo as Bb. Pilipinas-Universe 1994 at mag-compete that same year sa Miss Universe Pageant na ginanap din dito sa Pilipinas, one or two years lang siyang tatagal sa show business.



"Akala ko talaga accidental artista or celebrity lang ako," nakangiti niyang pagbabalik-alaala. "Pero until now, nandito pa rin ako, inspirado pa ring magtrabaho."



Hindi ba tumanggi ang husband niyang si Aga Muhlach na muli siyang mag-show?



"Nagulat nga ako na may VTR pala siya. Na sinabi pa niyang nagdasal siya na makapasok ako sa ganitong programa. He's really happy for me," sambit ni Charlene.



Pagmamalaki pa ni Aga sa VTR, makikilala raw ng mga manonood kung gaano kabait at kahusay si Charlene bilang isang wife, mother to their children, and daughter to her parents.



ATASHA AND ANDRES. Speaking of their children, Atasha and Andres, tanggap na raw ng mga ito ang trabaho nila ni Aga bilang mga artista. In fact, akala nga raw ng mga ito ay kasing-normal lang ng kahit na anong activity sa bahay ang mga trabahong ginagawa nilang mag-asawa.



"Noong mag-taping nga ako ng OBB [opening billboard] ng Proudly Filipina, gusto nilang sumama, kaya lang pinigilan ko," kuwento ni Charlene. "Sabi ko baka magulo sila, pero sa mga susunod na taping, isasama ko na sila."



Kuwento pa ni Charlene, normal na rin nga raw sa kambal yung pakaway-kaway sa fans. "Happy sila na lagi silang kumakaway at bumabati sa mga taong nakikita nila sa set o kahit saan kami pumunta. Feeling kasi nila, kilala sila ng lahat.



"Noon ngang pumunta kami sa States, they say ‘hi!' to everybody dahil akala nila, ganoon dapat. Hindi pa nila alam ang magnitude ng trabaho namin ni Aga. Akala nila naglalaro lang sila, like noong nagsu-shoot kami ng Jollibee commercial, akala nila we're playing with them," nangingiting lahad ni Charlene.



Tuluyan na ba nilang ipapasok ni Aga sa showbiz ang kambal after gumawa ng TV commercial?



"Ayaw na muna namin," sagot ni Charlene. "Sa commercial, very selective kami ni Aga, sa Jollibee lang talaga kami pumayag dahil ang laki ng nagawa ng Jolibee sa amin. Yung pag-aartista, siguro kapag nakatapos na sila ng college at gusto pa nila, hindi namin sila pipigilan. As of now, we have to protect and shelter them as much as possible. We want them to live a normal life."



May ipinapakita na bang talents ang kambal?



"Atasha plays the piano very well. Andres loves to dance. Nagko-choreo na nga siya ng sarili niya. Minsan nga, tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya dahil tahimik siya. Sabi niya, he's concentrating daw on his choreography. Nakakatuwa! Wala namang nagtuturo sa kanya. Biro nga sa akin, namana raw siguro ni Andres ang hilig ko sa pagsayaw,"pagmamalaki ni Charlene about their twins.



DOING DYESEBEL. Ire-remake ang Dyesebel ng GMA-7 na si Marian Rivera ang gaganap. Sabi-sabi ay may io-offer daw na role kay Charlene sa said soap. Ano ang reaksiyon dito ni Charlene?



"Wow! Si Marian, she's very beautiful," bulalas niya. "Bagay na bagay sa kanya ang Dyesebel. As of now, wala pa namang formality. Kung may offer man sila, if ever, why not? But I will be meeting pa with everyone. Ang commitment ko pa lang talaga, sa QTV-11 at sa Proudly Filipina. One at a time muna.



"Saka we're leaving kasi, kami ni Aga at ang kambal, for the States next month. Gusto naming manood ng fight ni Manny Pacquiao, kung makabibili pa kami ng tickets. Kaya sana, may mabili pa kami.



"Pero hindi magtatagal si Aga. Mauuna siyang bumalik dito, kasi tatapusin niya ang movie nila ni Anne Curtis, ang Waiting For You. Me and the twins will stay in the States. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakabisita sa relatives namin doon. Pero hindi rin naman kami gaanong magtatagal, kasi nga mag-a-advanced taping lang ako ng Proudly Filipina, enough hanggang sa makabalik kami ng kambal."



OF BERNARD BONNIN AND BURNING BRIDGES. Tinantiya muna namin si Charlene kung sasagot ng personal question hinggil sa daddy niya, si Bernard Bonnin, na meron daw personal request sa kanya. Ibinulong na lamang namin sa kanya ang tanong, at ang sagot niya:



"Basta, mahal ko silang lahat. Yes, why not? My dad, I love him very much. I'm happy na he's working again, napapanood ko siya sa Palos," saad ni Charlene.



Hiningan pa ng komento si Charlene kung ano ang masasabi niya na nasa iba na siyang network.



"Nagpaalam din naman ako sa ABS-CBN, dahil alam ko, maliit lang ang industry natin. Sooner or later, mami-meet mo pa rin yung mga una mong nakatrabaho, kaya I don't burn bridges. Like me, nag-start ako sa GMA-7, napunta ako sa ABC-5, ‘tapos sa ABS-CBN, at ngayon, nasa QTV-11 na ako. I can only say na, ‘ang isang magandang pamilya ay may malaking puso.'"



May sumingit ng tanong kung may gagawin na rin siya sa GMA-7.



Pagtawa lang muna naging sagot ng former beauty queen, na sinundutan pa uli ng tanong kung tuloy ang pagiging anchor niya sa Binibining Pilipinas beauty pageant sa Araneta Coliseum on March 8.



"Yes, with Raymond Gutierrez and Paolo Bediones," kumpirma niya.



Napahalakhak na lang si Charlene nang i-remind siya ng kaharap na press na unwittingly ay nasagot na niya ang tanong kung may gagawin siya sa GMA-7.



Hindi ba't sa GMA-7 ipapalabas ang Binibining Pilipinas?

http://www.pep.ph/news/16466/Charlene-Gonzalez-leaves-ABS-CBN-for-GMA-7s-sister-station-QTV-11

this page is sponsored by:pinoy money talk

0 Comments on "Charlene Gonzalez, Goodbye ABS-CBN Hello QTV-11"

Post a Comment

DISCLAIMER:

"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."

"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"
 

·´`·.¸.» j u l i a ·´`·.¸.» Copyright © 2009 All Rights Reserved.

I am not responsible for the content of external sites.

Check this blog's Privacy Policy and Disclosure Policy.