2.22.2008

It's Confirm, Marian Rivera is the new Dyesebel

Marian Rivera Nude Photo Dyesebel



Hindi pa man nakaka-face-to-face ni Manay Ethel Ramos—manager ni Aga Muhlach at kinu-consider na "Dean of Phil Entertainment Journalism"—si Marian Rivera na


ini-interview that very moment ni Ricky Lo ng Philippine Star, ay panay papuri na ang comment ni Ms. Ramos sa bida ng Marimar.



"Very pleasant, very positive ang aura niya, always smiling," sabi ni Ms. Ramos habang patingin-tingin kay Marian.



Nangyari yun sa launching kay Marian as endorser ng Karimadon clothing line earlier today, February 22, held at the Roma Maria restaurant in Podium Mall.



"Two years ago, nang nag-i-start pa lang ako sa showbiz, lumapit ako sa Karimadon to ask for their help kung puwedeng damitan nila ako. To my surprise, hindi na ako nagdalawang-salita, pumayag silang tulungan ako kahit unknown ako. So nitong lumalabas na ako sa Marimar at sila naman ang lumapit kung puwede akong mag-endorse ng Karimadon, siyempre po, yes kaagad ako," umpisang kuwento ni Marian nang makaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama si Manay Ethel, and other members of the press.



HOT PROPERTY. No doubt, very hot property ngayon si Marian, hindi lang sa TV kundi pati sa pelikula at sa commercial endorsements. Pa-100 million pesos na raw this weekend ang box-office take ng pinagtambalan nila ni Richard Gutierrez na My Best Friend's Girlfriend.



Hindi bumababa sa 40 percent ang daily ratings ng Marimar sa Mega Manila—sa maniwala man tayo o hindi sa ratings—na matatapos na next month, at niri-ready na ang susunod niyang fantaserye, ang Dyesebel.



GOING TOPLESS. Yes, inamin ni Marian na willing at ready siyang mag-topless sa Dyesebel.



"Ayoko kasing maasiwa sa mga underwater scenes na lumalangoy ako bilang sirena, e, may inilalagay pang takip sa dibdib na hindi naman ako kumportable. Kaya inilagay ko na po sa isip ko na I'll play the role of Dyesebel, normal sa kanya bilang mermaid na topless siya.



"Napanood ko yung Dyesebel ni Alice Dixson at topless po siya doon. Hindi siya conscious kaya magandang lumabas," dagdag ni Marian.



"Kahit naman magta-topless ako, hindi naman papayag si Direk Joyce Bernal, ganundin ang GMA-7, na magiging malaswa ang execution. Hindi gagawa ang network ng palabas na magpapababa ng integridad nila. Ang Dyesebel ay for general patronage, at sinisiguro kong mapapanood lalo ito ng mga bata," pahayag pa ni Marian.



Sa thanksgiving party ng My Best Friend's Girlfriend nung Sunday, February 17, na-late si Marian dahil may pictorial siya for Dyesebel. Tinanong namin siya kung nag-topless na siya dun sa pictorial.



"Yes!" buong ningning niyang pag-amin. "Ready na ako sa ganun when I accepted the project."



SWIMMING LESSONS. Bilang paghahanda sa pagganap niya bilang Dyesebel, nakatakdang mag-undergo ng intensive swimming lessons si Marian.



"Talagang natsa-challenge ako sa role kasi hindi naman ako marunong lumangoy, so mag-aaral pa ako. Sabi ni Direk Joyce, hindi lang langoy sa tabi-tabi ng dagat ang gagawin ko. Gusto niya, yung talagang underwater scenes na makikipaglaro ako sa mga makukulay na isda."



Bukod sa pag-aaral lumangoy, nire-ready rin ni Marian ang kanyang katawan para maganda ang dating ni Dyesebel sa TV.



"Okay naman ang weight ko ngayon, medyo slim pero okay naman sa TV. I measure 34-24-36. 'Pag nagge-gain ako ng waight, nagiging 36" ang boobs ko. Ang napapansin ko, kahit pumapayat ako, yung puwet ko, hindi lumiliit, 36 pa rin!" natatawa si Marian.



Marami pang naikuwento si Marian tungkol sa gagawin niyang Dyesebel, nang biglang maisip niyang, "Teka, ewan ko kung dapat ko nang sabihin sa press itong mga naikuwento ko sa inyo, kasi unless ang GMA ang unang magpa-press release, dapat confidential muna," medyo ‘natauhan' si Marian.



"Hindi kaya pagalitan ako nito?" sabi pa niya.



Si Manay Ethel ang nag-assure kay Marian na walang magiging problema. "Magaganda naman ang ikinuwento mo, kaya mas mamahalin ka ng GMA-7," sabay request ni Manay Ethel na magpapakuha siya ng litrato kasama si Marian.

http://www.pep.ph/news/16496/FIRST-READ-ON-PEP:-Marian-Rivera-confirms-she-is-the-new-Dyesebel



this page is sponsored by:pinoy money talk

6 Comments on "It's Confirm, Marian Rivera is the new Dyesebel"

Wind Mill on February 23, 2008 said...

Hi Julia,
Do you think that Marian Rivera would need some cellophane tape from me to stick fast her dress shoulder?
I finally found a solution to keep my Blog Post column and Side column at the same equal lengths. LOL !
Next year the Pinoy Blogs would be screaming, "It's Confirm, Julia is the new Dyesebel"
Cheers,

julia on February 23, 2008 said...

@Wind Mill
LOLz.
pang akit niya yan
kaya nalalaglag ung
dress niya haha.

Haha! Dyesebel?
I'd love that
but i can't swim
haha
:)

Honey on February 25, 2008 said...

well she's really alluring hehehe

on February 25, 2008 said...

ya!
some
said
she
looks
older
daw.

Anonymous said...

marian!

Anonymous said...

marian is very beautiful and you can also have that smooth skin like her. u want to know the best natural acne treatment? subukan mo!

Post a Comment

DISCLAIMER:

"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."

"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"
 

·´`·.¸.» j u l i a ·´`·.¸.» Copyright © 2009 All Rights Reserved.

I am not responsible for the content of external sites.

Check this blog's Privacy Policy and Disclosure Policy.