Sa launching ng bagong produktong iniendorso ni Marian, ang
Sunsilk shampoo, kahapon, February 20, sa Edsa Shari-La Hotel, Mandaluyong City, muling kinulit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News ang Marimar lead star sa kanyang next project.
Ayon kay Marian, "Sinisigurado ko sa kanila na yung susunod kong soap [opera], mas magugustuhan nila. Kung nagustuhan nila si Marimar, mas magugustuhan nila yung susunod dahil pambata nga yung gagawin ko."
Sinundan naman ito ng GMA News ng tanong na, "Magkakaroon ka ba ng buntot?"
Napasigaw si Marian at natatawang sinagot, "Basta abangan na lang nila! Basta gagawin ko 'to para sa kanila dahil alam ko na sobra-sobrang suporta ang ibinibigay nila sa Marimar. Ngayon, hindi ko kayo bibiguin. Dito sa next project, mas magiging maligaya kayo, lalo na yung mga bata."
Tinanong naman ng PEP, "May swimming ba sa susunod na project?"
Muling natawa ang aktres at sinabing, "Basta abangan nila. Excited ako kasi yung Marimar iba, e. Itong binigay sa akin ng GMA-7 na next project ko, sobrang challenging para sa akin at napakahirap niya kaya natsa-challenge akong gawin yun."
At dahil ayaw talagang ibigay ni Marian ang kanyang next project tinanong na lamang siya kung marunong ba siyang lumangoy. Matipid na sagot ni Marian: "Oo, marunong."
Nasabi rin ni Marian na kilala na niya ang kanyang magiging ka-partner sa susunod na project ngunit tumanggi siyang pangalanan ito. Aniya, "Meron na pero kilala ko na siya. Abangan nila yun and I'm sure kikiligin ulit sila."
Nabanggit din namin, na pabor din si Charlene Gonzalez, isa sa mga gumanap bilang Dyesebel sa pelikula, kung sakaling si Marian nga ang magiging Dyesebel sa TV adaptation nito. Muli, matipid ang naging sagot ni Marian, "Thank you. If ever na ako nga, ha?"
http://www.pep.ph/news/16472/Marian-Rivera-still-quiet-about-her-next-project-after-Marimar
this page is sponsored by:pinoy money talk
0 Comments on "Marian Rivera, the Next Dyesebel?"
Post a Comment