
Shaina Magdayao bids goodbye to her sweet image,she is now the Newest Sexy Covergirl of Manual Magazine. Catch more of her at Lobo with Piolo Pascual and Angel Locsin. She plays the role of an 23 years old lady, eventhough she's just...
18.
May panggulat agad ang dating child star na si Shaina Magdayao sa Bagong Taon.
Sumabak na rin si Magdayao sa senswal na piktoryal hudyat ng kanyang pagbabago sa 2008.
Goodbye pa tweetums na si Magdayao sa kanyang kauna-unahang sexy pictorial para sa isang magazine.
Mula sa kasuotan hanggang sa pag-eemote, ibang Shaina Magdayao na ang makikita sa Manual Magazine, na malayo na talaga sa imahe ng dating child star.
Pero hindi lang sa magazine ang pagbabago ni Magdayao. Paghahanda na rin ito sa kakaiba niyang papel sa inaabangang seryeng "Lobo" kasama sina Angel Locsin at Piolo Pascual.
“It's a new Shaina. The management wanted to see a new Shaina in 2008. I'm 18 years old na pero role ko 23-years-old so iba talaga,” sabi ng aktres.
Sa kabila ng pagpayag ni Magdayao sa kanyang pictorial, nanindigan pa rin siyang hindi maghuhubad sa men's magazine.
“Hindi ko pa talaga kayang mag-bare ng katawan. I said for a fashion shoot, its okey,” sabi pa ni Magdayao.
Hindi pa alam ni Magdayao kung kailan ilalabas sa merkado ang kanyang pictorial pero sigurado siyang maganda ang kalalabasan ng magazine at magugustuhan din ng kanyang mga fans.
“For sure aalagaan naman ako ng Manual and the people behind it. It's not naman sexy, daring! Sana bumili na lang po kayo ng kopya,” sabi niya.
-ABS-CBNNews.com
Nagsumite na ng kanyang rejoinder-affidavit ang talent manager/columnist/TV host na si Lolit Solis kaugnay ng libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban sa kanya. Ang rejoinder-affidavit ni Lolit ay isinumite kaninang bandang alas-diyes ng
umaga, Pebrero 7, kay Assistant City Prosecutor Dennis Aguila sa Manila City Hall.
Ang libel case ay kaugnay ng isinulat ni Lolit sa kanyang column na "Take It, Take It!" sa Pilipino Star Ngayon noong October 15, 2007. Ayon sa naturang column na may headline na "Sam at Piolo, naglalampungan," nakita diumano ni Lolit ang dalawang aktor na nagbubulungan sa poolside coffee shop ng Hotel Sofitel noong October 12.
Sa rejoinder-affidavit na isinumite ni Lolit, iginiit niya na hindi niya tinawag na "gay or homosexuals" sina Piolo at Sam. Hindi rin daw niya isinulat na may "homosexual activities" ang dalawa.
"I merely narrated in my article that I saw the two men ‘nagbubulungan' and as they are ‘nagbubulungan,' it obviously follows that ‘halos magkadikit na nga ang mga pisngi nila,'" paliwanag ni Lolit sa dokumento.
Iginiit din niya na "there is nothing libelous about my article."
Ikinuwento lang daw niya kung ano ang nakita niya noon.
Kinuwestiyon din Lolit ang reply-affidavits nina Piolo at Sam, kung saan nag-present sila ng affidavits ng kanilang mga testigo. Ang mga testigong ito raw ang magpapatunay na wala ang dalawang aktor sa lugar na pinangyarihan noong mga oras na sinabi ni Lolit sa kanyang artikulo. Ilan sa mga witnesses nina Piolo at Sam ay sina Rica Peralejo, Angel Locsin, Cristy Fermin, Pokwang, at ilang empleyado ng Toni and Guy Salon at Timex. Kinuha rin bilang mga testigo ng dalawang aktor ang ilang ordinaryong mamamayan upang ipakita raw ang epekto ng isinulat ni Lolit sa mga ordinaryong tao.
Ayon sa rejoinder-affidavit ni Lolit, bakit noon lang nag-present ng kanilang mga testigo sina Piolo at Sam samantalang maaari naman nila itong gawin nang nagsumite sila ng kanilang complaint-affidavit.
"The length of time that lapsed before presenting their testimonies casts serious doubts as to the reliability and authenticity of the claims of these witnesses. It was very convenient for the complainants because they had more than enough time to set their story straight and go shopping for witnesses. It was also readily apparent that these witnesses are either people under their employ/pay, or close associates and employees belonging to their home network [ABS-CBN].
"Their testimonies therefore carry very little weight for being biased and self-serving."
Iginiit din ni Lolit na walang malisya sa kanyang isinulat tungkol kina Piolo at Sam.
"I saw them with my own eyes... I have no reason to fabricate a story. I carry no grudge against any of the complainants," saad ni Lolit sa kanyang affidavit.
Bukod sa mga abogado ni Lolit na sina Atty. Malaya at Atty. Briones, dumating din sa Manila City Hall upang magbigay ng suporta ang mga alaga ng talent manager na sina Alfred Vargas, Paolo Contis, at Yasmien Kurdi. Gusto rin sanang sumunod ng isa pang alaga ni Lolit na si Mark Herras, pero kasalukuyang nagte-taping ang young actor.
Sobra naman daw na-touch si Lolit sa pagpapakita ng suporta ng kanyang mga alaga. Hindi raw niya kasi inaasahan ang pagpunta ng mga ito, lalo pa't ganung kaaga. Patunay lamang daw ito na mahal na mahal siya ng kanyang mga alaga.
Source
DISCLAIMER:
"All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed. We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content."
"Plleease, don't never ever complain for wrong gramars and wrong spelings words on this blogs, the bloggers is just a wanabee, she didn't even pinished her elementary days and just wanna blog, is that a krime?"